What

Only available on StudyMode
  • Pages : 6 (1029 words )
  • Download(s) : 278
  • Published : January 28, 2013
Open Document
Text Preview
"FREEDOM"

"Freedom"  (full)
The cry awoke Balintawak,
And the echoes answered back;
  "Freedom!" (fading away)
All the four winds listened long
To the shrieking of that song; FREEDOM
Every poet struck his lyre
With those burning notes of fire; FREEDOM!
Girls:
All the women knelt to pray
In their hearts that frenzied lay.
Boys:
E'en the children and the old
Took to arms and shouted bold, (increasing volume)
  "Freedom!"
All:
I heard it from the planters in the vales
I heard it from the traders tying bales;
I heard it where the fishers strike their sails—FREEDOM!
I heard it from the huskers 'neath the trees;
I heard it from the drivers of the seas,
I heard it from the pounders in the leas. FREEDOM!

Girls:
All the people raised to cry,
Fearing not to bleed or die; FREEDOM!
All the tombs of slave and sire
Broke to voice and great desire; FREEDOM!

*Up the mountain, down the plain (rising, then falling)
Lounder, lounder rang the strain, (increasing volume)
  "Freedom!" (ringing)
Boys:
I heard it from the makers of the brooms;
I heard it from the weavers at their looms;
I heard it in the smoking smithy rooms. FREEDOM!
PAUSE… REPEAT *
I heard it in the bullet's whine at roars;
I heard it in the farthest islet shore.
We heard it and shall hear it evermore!
  "Freedom!"  (full)

PAUSE… REPEAT *
The cry of Balintawak,
And now our voices answer back--
  "Freedom!"  (joyously full)

| Republikang Basahan ni Teodoro A. Agoncollo| |
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!

Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.

Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya'n ikaw'y manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!

Kalayaan - ito pala'y mayron na ring tinutubo
Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!

Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,
Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!

Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.

Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.

Republika na nga itong and sa inyo'y hindi iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?
Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,
Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

Ksarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?

Repblika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,
Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!

Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,
Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.

Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin, 
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!

Kaninong Anak Ito?
Ni Teo S. Baylen

Isa ako sa maraming kabataang napaligaw
At naritong nakapihit sa loob ng parusahan
Sumasampal sa muka ko ang pagsumbat at paguyam
Ng tahanan, ng lipunan, ng simbaha't paaralan
Wika nila'y mabuti nga pagka't ako'y kahihiyan
At pasan sa balikat nitong baya'y nakadagan

Ngayong akoy naririto at bilanggong nakakulong
Sino baga ang marapat na...
tracking img