Term Paper

Only available on StudyMode
  • Pages : 4 (1708 words )
  • Download(s) : 14593
  • Published : March 16, 2010
Open Document
Text Preview
MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT NG
MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA KABATAAN
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatit ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga mag-aaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon imbis na mag-aral. Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Ito ang isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain kapag ginagamit. Marami rin itong modelo na mas lalong naghihikayat sa mga kabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga features ng cellphone ay ang usong-usong text messaging. Sa ngayon kasi ito na ang pinaka-mabilis na komunikasyon. Naipapadala sapamamagitan nito ang lahat ng gusto mong sabihin sa iyong kausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone din ay mayroon na ngayong multimedia. Na kung saan pati litrato ng mga tao ay pwede na rin maipadala sa kausap nito. Talagang marami nang magagawa ngayon kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kung anu-ano ang mga nauuso na features ng mga lumalabas na mga bagong modelo nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live mong mapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saan all in one cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono sa iisang modelo. At video phone na kung saan magagamit mo ito na parang video camera. Ito ang mga ilang...
tracking img