Suring Basa Ng Kwento Ni Mabuti

Only available on StudyMode
  • Pages: 14 (4208 words)
  • Download(s): 23031
  • Published: January 11, 2011
Open Document
Text Preview
Introduksiyon

Ang Kuwento Ni Mabuti ay isang maikling kuwento sa wikang Tagalog na isinulat ng Pilipinong makata na si Genoveva Edroza Matute. Kilala ito bilang kauna-unahang maikling kuwentong nanalo ng Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino noong 1951.

Ang suring-basa ay isang uri ng pansing pampanitikan kung saan ang isang libro ay sinusuri ayon sa laman, estilo at halaga nito. Ito ay malimit na nakikita sa mga pahayagan, katulad ng trabahong pang-eskwela, o online. Ang haba nito ay maaaring iba-iba, mula sa isang talata hanggang sa isang buong sanaysay. Gayun pa man, ang isang suri ay madalas na naglalaman ng ebalwasyon ng libro ayon sa pansariling pakalasa. Ang mga mang-susuri, sa pampanitikang pahayagan, ay madalas na ginagamit ang pangyayari sa libro para sa pagpapakita nang pag-papaalam o para sa pagpapahayag nang kanilang sariling ideya sa paksa na pawang kathang-isip o hindi kathang-isip na gawa. Sa kabilang dulo, ang ibang suring-basa ay para lamang kawangis nang isang kabuuan ng kwento mismo.

Ang suring basa ay isang uri ng pag-uulat. Nagaling ito sa dalawang salita, pagsusuri ng binasa. Ang suring basa ay naglalaman ng opinyon ng bumasa.

Talambuhay ni Genoveva Edroza Matute
Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang magtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa mambabasa’y mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa. Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na sinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edrosa at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang ale—na kapatid ng kaniyang ama—doon sa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na magiging Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kontrobersiyal ang buhay ni Aling Bebang dahil malinaw ang kaniyang paninindigan sa pagsusulong wikang pambansa. Ang ganitong tindig ay maaaring sanhi ng kaniyang masaklap na karanasan noong nasa elementarya, na inilakip ni Borlaza sa talambuhay ni Aling Bebang: Mabuti naman at mababait ang mga guro sa mga paaralang pinasukan ni Bebang, bagaman ang guro niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal noon ang pagsasalita ng Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa saya (baro’t saya pa ang kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang siling labuyo. Kapag may nahuli siyang mag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa pobreng “nagkasala.” Sinasabitan din ng kartong may ganitong nakasulat: I was caught speaking the dialect. Ang palakad na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi lahat ng wikang pansarili ng iba’t ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang maging malaya na ang Pilipinas. Mabuti ang hangarin—upang matulungan ang mga mag-aaral na madaling matuto...
tracking img