Sigarilyo

Only available on StudyMode
  • Pages : 7 (2077 words )
  • Download(s) : 11318
  • Published : March 4, 2011
Open Document
Text Preview
-------------------------------------------------
EPEKTO NG PANINIGARILYO
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika. B. PAG- AARAL

Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media.Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina. Mahigpit ang penalty sa mga lalabag sa anti-smoking bill na ito: mula P500 hanggang P400,000 at pagkakulong ng mula 30 araw hanggang tatlong taon, at administrative sanctions. Inaatasan din ng batas ang Kagawaran ng Edukasyon an magsawaga ng info campaign at isama sa school curricula ang masasamang epekto ng pagyoyosi. Sa isang panayam sa radyo, natutuwang sinabi ni Senador Juan Flavier, isang doktor at siyang pangunahing lumikha ng bersyon ng batas sa Senado, na isang magandang regalo daw sa kanya ng Pangulo ang pagkakalagda sa batas na ito. Nagsagawa na rin ng kampanyang kontra-paninigarilyo ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila sa Justo Albert Awditoryum noong ika-2 at 4 ng Oktubre. Kaalinsabay ng temang “Manila: Smoke-Free City”, nagdaos ng isang forum ang kagawaran kung saan nagsama-sama ang mga opisyal ng barangay, mga kagawad, at mga kinatawan ng anim na distrito ng Maynila. Ang dalawang araw na pagpupulong ay may layong ipakilala sa mga nagsipagdalo ang “Ang Anti-Tobacco Law” o ang Batas Republika 9211 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar partikular na sa nasabing lungsod. Ito ay upang bigyang-diin at paigtingin ang pagpapatupad nito na magsisimula sa bawat baranggay. Kasama rin sa programa ang pamimigay ng mga leaflets at posters na nagpapakita ng mga masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga mamamayan, sa kanyang kapwa at sa kanyang lungsod.

C. LAYUNIN
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. Sinuri ng mga mananaliksik ang mga hakbang na itinataguyod ng gobyerno upang unti- unting mabawasan ang paninigarilyo sa bansang Pilipinas at ang masamang epekto ng paninigarilyo. D. HALAGA

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag bigay alam sa...
tracking img