Sa Kabilang Lupalop Ng Mahiwagang Kaharian

Only available on StudyMode
  • Pages : 8 (2957 words )
  • Download(s) : 6236
  • Published : February 17, 2011
Open Document
Text Preview
Sa Kabilang Lupalop ng Mahiwagang Kaharian 
(Alay kay Federico Garcia Lorca)
     Hindi mapakali ang tatlo nang pumasok sa bulwagan. Ang nasa gitna, na may mukhang pinapasan ang mundo, atubiling lumakad, hinihila ng dalawang nasa piling niya. Ang babaeng nasa kaliwa asiwang dinala ang kanyang asul na maleta, at ang nasa kanan naman may binubunat na rosang kumot (isang comforter sa klimang ito?). Hinihila ng dalawa parang lumakad pang mas mabilis ang nasa gitna, isang babaeng de-oksinada ang buhok na may korteng Twiggy, nguni’t may katabaan naman ang katawan. Tumalon pa ng eskalante sa bago nang lahat na damit na sinusuot nila – katas Saudi, wika nga ng mga kababayan nating nagsipalaran doon. Si Miss Oksinada naka-sleeveless ang blusa, kulay-ubeng may sumisidlak na bituing ginto sa kuwleyo at dulo at naka-D&G black leather jeans na hindi naman tama ang sukat sa kanyang bigating hita. May dala-dalang Kleenex si Miss Kaliwa, pinapahid ang daloy ng luha at pawis ni Miss Oksinada. Gayundin man si Mrs. Kanan, na may de-kolor na panyong kanyang nililipul tila isang nanay sa kanyang sanggol. Paminsan-minsa’y huminto si Miss Oksinada, tulak naman nang tulak ang dalawa. Naiilang ang dalawa, ilang na mapasa-alanganin ang daloy ng pasaherong unti-unting pumpasok sa pre-departure lounge ng Jeddah international airport.      Isang malaking mama ang sumunod sa tatlo, hinuhuni nang mapayapa ang "Pasko Na, Sinta Ko." Ito ay may dalang stereo component. Lahat ng mga pasahero – mabibilang lang sa isang kamay ang hindi natin kababayan - may bitbit na kung anu-anumang gamit-pambahay, parang, kundi lamang bago ang mga ito, mga biktima ng sunog, hinahakot ang lahat na maaaring hakutin. May isang binatilyong mahabang buhok na may dalang Apple Mac, ang kahon nito’y kasing-puti ng dalawang kartong sigarilyong Hapon na binibitbit sa kaliwa. May isa pang may dalang Gibson electric guitar, tinutugtog, nguni’t wala namang tunog ang maririnig. Kundi sa tatlo, masayang-masaya ang bulawagan, puno ng ligaya dulot ng kapanahunang yaon. Kahit pa ma’y Muslim ang kaharian ng Saudi, naririnig sa mga airport speakers ang Pamaskong musika. Isipin mo na lang na dalawang taon din ang inihandog ng mga ito, bilang bilanggo sa isang kulturang dayuhan at sa daming ipinagbabawal. Kahit na sari-sari pa mang punto ng Tagalog ang maririnig doon, isa lang ang mensaheng nababasa sa kanilang mukha – sa wakas!      Kaginsa-ginsa’y walang babala, umiyak nang matunog si Miss Oksinada, parang tubig ng bahang nakakatakot ang unos.      "Dapat ako’y hindi umalis! Dapat ako’y hindi umalis! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa Pinas! Paano na lang ako? Hindi ako maaring umalis. Bilang-awa nyo na lang, iwanan nyo na po ako rito!"      "Ssst, ssst, Perlita, tama na, tama na, okay pa lang naman tayo rito", banayad na wika ni Miss Kaliwa.      "Heto, may Kleenex pa, Perls," sabi ni Mrs. Kanan. "At huwag ka nang umingay, baka maririnig pa tayo ng lahat, nakakahiya, eh."      "Tatanggapin pa kaya nila ako? Tatanggapin pa?" unti-unting lumaking boses ni Perlita.      "Ssst, ssst, Perls, tatanggapin ka; bayan natin iyon, sigurado akong tatanggapin ka nila…. ah, pamilya mo iyun eh," tiniyak ni Mrs. Kanan.      "Hindi, ‘di na nila ako tatanggapin. Tatalikdan ako ng buong Catbalogan!" "Perlita, makinig ka sa akin, akong inay mo sa dalawang taong ito. Perls, masdan mo ako, bilang nanay mo. Huwag ka nang maingay at kami’y nandito pa rin sa piling mo."      "Tiyak akong hindi na nila akong tatanggapin pa muli. Para akong asong-askal na wala nang patutuluyan, walang pakinabang, walang dangal!"      "Ssst, tama na Perls," sabi ng mamang nasa likod nila.      "Lahat kayong nandito sa bulwagang ito, tatanggapin pa kaya nila ako?" tumindig ang babae, umiyak na tiyak nagpaparinig sa kalahating panig ng lounge. Wala namang kinausap nito, nguni’t pinagmasdan ng dalawang nagbabagang mata ang palibot. Lumingon na ang lahat sa apat na katauhang nakaupo sa likod, tinatanong sa sarili kung anong...
tracking img