Ang kwaderno ng Biyahero Arjie Ian A. Selades

      “Ang pagkakataong mayanig ang iyong pananampalataya ay ang higit na pagkakataong lumapit at humingi ng kapatawaran sa kanya”

      Madaling araw pa lamang ng tinulak ng aming grupo ang aming destinasyon; ang lugar ng mga sinasabing samahan na mga Rizalista sa Lecheria, bayan ng Calamba. Sinimulan namin ang paglalakbay sa isang mataimtim na panalangin. Pagkatapos noon, lahat kaming 17 nasa sasakyan ay sabik na sabik nang makita ang sinasabing lugar ng mga rizalista ng aming guro. Kasabay ng unti-unti Naming paglayo sa kinagisnang kabihasnan ay ang lumalaking pagkakataong masilayan naming personal; ang mga lugar at mga taong may masidhing pagnanais at pagmamahal sa ating bayani. Hindi rin naming maiwasang magmuni-muni at makapag-isip ng mga bagay na hindi namin sinasadyang isipin, ngunit lahat ay ipinpasadya na lang namin sa Panginoon.

      Nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa sa amin na makita at makausap ng personal ang mga miyembro ng mga samahan doon. Napuntahan ng aming pangkat ang New Jerusalem. Masasabi ko na sa mga sekta o samahan o grupong napuntahan ko, ito ang sadyang nakapagpa-isip sa akin ng mga bagay-bagay na noo’y hindi ko masyadong iniintindi. Mapalad ang aming pangkat na makapanayam ng personal at walang abala si Lolo Jose. Nagka-interes talaga ako kay Lolo dahil sa nabasa kong pahayag niya sa isang magasin-binigyan niya ako ng matinding palaisipan na nagkaroon ng kaliwanagan ng siya’y aking nakita’t narinig. Hindi katulad ng isang matanda, masasabi kong hindi ipinapakita ng mga aksyon ni lolo ang katandaang inilalarawan ng kanyang katawan. Bagama’t medyo nahihirapang maglakad, hindi naman ito kinakakitaan ng kahinaan, sa katunayan, nakuhanan pa namin siyang nangagamot ng kasapi nilang buntis.

      Araw ng linggo noon, inanyayahan kami nilang sumabay sa kanilang pagsamba. Nagulat ako ng hiwalay ang daanan at babaan ng babae at lalaki, maging ang kanilang lugar na pakikinigan.... [continues]

Read full essay

Cite This Essay

APA

(2009, 02). Rizal. StudyMode.com. Retrieved 02, 2009, from http://www.studymode.com/essays/Rizal-191374.html

MLA

"Rizal" StudyMode.com. 02 2009. 02 2009 <http://www.studymode.com/essays/Rizal-191374.html>.

CHICAGO

"Rizal." StudyMode.com. 02, 2009. Accessed 02, 2009. http://www.studymode.com/essays/Rizal-191374.html.