Mga Tanyag Na Pilipinong Manunulat

Continues for 1 more pages »
Read full document

Mga Tanyag Na Pilipinong Manunulat

By | March 2011
Page 1 of 2
Mga Tanyag na Pilipinong Manunulat
1. Dr. Jose Rizal - Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata." 2. Francisco Baltazar – Kilala din bilang Francisco Balagtas. Isa siyang tanyag na makata at mandudula. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang siya bilang Ama ng Panulaang Tagalog. 3. Marcelo H. del Pilar – kilala siya bilang si Plaridel. Itinatag niya ang Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle. 4. Jose Palma – Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Español na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat. 5. Lope K. Santos – Isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa. Ang Pangginggera, Banaag at Sikat, Muling Pagsilang, Ang Mithi, Lipang Kalabaw, Sampaguita at Balarila ng Wikang Pambansa ay ilan lamang sa kanyang mga akda. 6. Jose Corazon de Jesus – Kilala din bilang Huseng Batute. Tulad nina Balagtas at Rizal, marami...
Hide

Rate this document

What do you think about the quality of this document?

Share this document

Let your classmates know about this document and more at Studymode.com