Mga Ibat- Ibang Inaasahan Ng Mga Mag-Aaral Sa Pagkuha Ng Kursong Accountancy Sa Unibersidad Ng Perpetual Help System Dalta- Molino Campus

Only available on StudyMode
  • Pages : 16 (3842 words )
  • Download(s) : 23893
  • Published : February 17, 2011
Open Document
Text Preview
KABANATA 1
MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon
Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa “Mga ibat- ibang inaasahan ng mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong Accountancy sa Unibersidad ng Perpetual Help System Dalta- Molino Campus”. Gaano ba kahalaga ang kursong ito sa ating lipunan? Bakit ganoon na lamang ang paglago ng mga estudyanteng kumukuha nito? Dito din natin malalaman paano nga ba nagsimula ang Accounting? Sino at paano ito nagsimula at bakit ito tinawag na “Accounting as the language of business”? Ang Accounting ay nagsimula noong 2,000 B.C. sa mga lalawigan ng Babilonia, Greece at Ehipto, at sa Assyria noong 3,500 B.C. nakita sa panahong ito ang mga nakatagong mga papeles na nagpapakita ng pagkolekta ng buwis sa mga tao at mga mamamayan ng isang hari. Ang mga papeles na nagpapakita ng mga gastos tulad ng sweldo ng mga trabahador, gastos sa mga materyales at iba pa na gawin ang pyramids sa Egypt. Ang unang aklat sa Accounting ay sinulat ni Cotrugli sa Naples, pero sa modernong panahon, ang naghanda ng aklat ay isang Italian Mathematician na si Fr. Luca Pacioli noong 1494. Dahil sa mga akda niya na naisulat ay nagiging dahilan ito upang tawagin siyang Ama ng Accounting. 15th century, isang Italyano ay karaniwang nagtitiwala sa kanyang mga tauhan ng kanyang mga ari-arian at ang mga tauhan nito ay siyang nagbabantay sa araw-araw na aktibidad na kanilang ginagawa. Mula sa mga salitang ito ay karaniwang o madalas na ginagamit sa pag-aaral ang Accounting. Pagkatapos ng 16th century, nagsimula ang palitan o mas kilala sa tawag na “trading” at dahil dito nagsimula ang pagkilala sa kita at paghahanda ng ibat- ibang ulat tungkol sa negosyo. Ang 19th century ang nagiging simula ng malaking pagbabago sa industriya ng palitan at trading, mula sa simpleng istraktura ng isang negosyo tungo sa mas komplikadong pagbuo ng ibat- ibang uri ng mga negosyo. Dahil sa malaking pagbabagong ito, kinailangang mas lalo pang pag igihin ang pag uulat ng mga pinansyal na impormasyon, at dahil sa makabagong panahon at makabagong teknolohiya tulad ng computer, nagdulot ito ng malaking pagbabago sa larangan ng Accounting, mula sa manual patungo sa makabago at elektronik na pagpoproseso ng mga datos.

2. Layunin at Pag- Aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon at datos tungkol sa paksang “Mga ibat- ibang inaasahan ng mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong Accountancy sa Unibersidad ng Perpetual Help System Dalta- Molino Campus”, at naglalayong masagot ang mga sumusunod na tanong:

i. Sa iyong pansariling assessment, gaano kahalaga ang kursong ito? ii. Bakit kaunti ang mga estudyanteng kumukuha ng kursong Accountancy? iii. Ang kurso bang ito ay mahirap kaysa sa ibang kursong may Board?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala kaming mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Ito ay magiging magandang basehan ng mga estudyanteng gustong kumuha ng kursong accounting, dito din nila malalaman ang mga kahalagahan ng kursong ito sa ating pamahalaan at kung anong mga propesyon ang kanilang pwedeng pasukin sakali na magtapos sila ng kursong ito. Ang mga impormasyong aming nakalap ay magiging sandigan ng mga iba pang estudyante na mananaliksik tungkol sa mga ganitong isyu sa ating lipunan. Ito rin ay magbibigay linaw sa mga estudyante na nahihirapan pumili ng kurso sa kolehiyo. Bukod sa mga ito, maeebalweyt ng mga estudyante ang kanilang mga sarili tungkol dito, malalaman nila ang kanilang limitasyon at kaalaman at mabibigyan nila ng paningin higit ang mga aspeto na dapat nilang lalong linangin at pagtuunan ng pansin. Kung gayon, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang ang mga estudyante ng accountancy ay magkakaroon ng mas matatag na pundasyon at kaalaman upang maging mahusay na accountant o CPA sa hinaharap.

4. Saklaw at...
tracking img