Read full document

Lee Min Ho

Page 1 of 2
Ruiz, Jane Paulene ThereseIka- 22 ng Pebrero, 2011
IV- GreenSulating Pormal Blg.4
Layunin: Makapagsulat ng sariling balita

Lee Min Hoo Umibig Sa Isang Pilipina

Bumisita ang sikat na koreanong actor na si Lee Min Hoo sa Pilipinas noong kasagsagan ng pasko,2010. Namataan ang binata sa Waterfront Cebu City, na may kasamang magandang dilag na nagngangalang, Jane Paulene Therese Ruiz.

Batay sa panayam na ginawa ni Myca Kyle Fuster, may pagtingin raw ang koreano kay Paulene at sinusuyo niya rin ang dalaga. Mariin namang itinanggi ni Min Hoo ang malis-yosong balita na may relasyon siya sa sikat ring aktress na si Goo Hye Sun at kinakaliwa niya ito. Ayon pa sa aktor, nahihiya siya kay Hye Sun dahil sa mga isyung lumalabas na nadadawit ang pangalan nito. Wala umano itong katotohanan, giit ni Min Hoo, at nagkatrabaho lang daw sila nito sa matagumpay na telenovelang BOF o Boys Over Flowers noong nakaraang taon at hanggang doon na lang daw 'yun. Hindi alam ni Min Hoo kung saan nanggaling ang mapanirang isyung ito at itinanong din ng press kung ano ang balak niya sa mga naninira sa kanya? Aniya, wala siyang balak patulan ang mga ito dahil alam niyang hindi naman daw totoo ang kumakalat na tsika at hiling na lamang ng aktor na itigil na ang mga ganoong balita sapagkat may ibang itinitibok ang kanyang puso. Isa sa nakikitang dahilan kung bakit may mga ganitong intriga kay Min Hoo ay dahil madalas silang makita ni Hye Sun na magkasama tuwing nasa set, ngunit sabi ng aktor ay magkaibigan lamang sila ni Hye Sun at nagtutulungan lamang sila upang mapaganda ang kanilang pag-arte. Nang tanungin kung pihikan ba siya sa mga babae, sinabi niyang hindi naman daw siya ang tipong pihikan. Nang tanungin kung anong nagustuhan niya sa pilipinang si Jane Paulene Ruiz, sagot niya’y “dahil kakaiba raw ito sa lahat, simple pero astig at mabait, maalagain, maunawain at malambing raw ito, lahat ng hinahanap niya sa babae ay natagpuan niya sa dalaga. Kinuha ang reaksyon...