Kung Mangarap Ka Ng Matagal

Only available on StudyMode
  • Pages : 10 (2652 words )
  • Download(s) : 17555
  • Published : October 18, 2010
Open Document
Text Preview
KUNG MANGARAP KA NG MATAGAL

Kumatok si Kwang Meng kahit nakabukas ang pinto at nakita niya si Boon Teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa.

“Tuloy, tuloy sabi ni Boon Tiek na tumayo inilahad ang isang kamay “Upo ka! Nasa kusina ang misis ko’t tinatapos an gating hapunan. Me-I tawag nito. “Narito na si Kwang Meng!

Lumabas ang asawa nito kasunod si Anne.

“Me-I , ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng ” at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing , “Palagay ko’y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I.”

Binati ni Kwang Men gang kabiyak ni Boon Tiek. Maraming beses niya itong nakita noon. Mukhang wala pa itong dalawangpu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naiisipniya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne.

“Iiwan muna naming kayong mga lalaki, “humihingi ng pumanhin si Me-I. Pasensya ka na. Kwang Meng may gagawin pa kaming mga babae sa kusina , kundi’y hindi tayo makapaghahapunan.”

“Oo ba,” sagot ni Kwang Meng.

Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisisyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan ng mga babae sa kusinang nasa likod ng flat.

“Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng ?” tanong ni Boon Teik.

“Tama na ang beer.”

Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Men gang mga mata sa buong sala. Simple ngunit mapanlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kwarto. Nakasabit sa dinding ang mga ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa’y walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas isang malaking Japanese paper lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo na naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga magazine, kasama ng isang flat ng Housing Development Board . Ang bahay nila mismo’y sama-samang kuwarto lamang na muuwian, walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitirhan. Ang magagawa nga naman ng kaunting pagsisikap! Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang pangangailang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman naisip niya.

Bumalik si Boon Teik na dala na ng mga inumin

“Gusto ko ang pagkaayos ng lugar n’yo, Boon Teik.”

“Hindi kami gumasta ng malaki riyan,” sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga furniture namin. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro ‘yon, kilala rin iyon bilang Thieves Market.”

Narinig na ni Kwang Men gang lugar na iyon, pero wala siyang nababalitaan kundi napakabaho ng mga kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan niya kung totoo ang balita na nooong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila , kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thieves’ Market umagang–umaga kinabukasan sa mas murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan.

Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa sala ni Boon Tei.

“Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung ihahambing dito,” sabi ni Kwang Meng.

“Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapag-asawa ka’t magkakaroon ng sarili mong flat . Natitiyak kong magagwa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy ang bahay ng mga magulang ko at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal ni...
tracking img