Kabanata 2

Only available on StudyMode
  • Pages : 11 (4036 words )
  • Download(s) : 1640
  • Published : March 21, 2011
Open Document
Text Preview
KABANATA II - Rivyuw ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Laybrari ng gradyuwet iskul ng Ateneo de Naga University at University of Nueva Caceres, at ang Internet ang pinaghanguan ng mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.  Mga Kaugnay na Literatura

Binanggit nina Adeyanju (2003), Liwanag (1995) at Gabuyo (1998) ang papel sa pagkatuto ng mga kagamitang pampagtuturo, ang mga halimbawa at ang mga dapat isaalang-alang sa paghanda ng mga ito. Tinalakay naman nina Transona (2002), Aquino at Razon (1998), at Panambo (1997) ang tungkulin at kwalifikeysyon ng isang mahusay na titser. Makikita ang iba’t ibang gamit ng wika sa mga pahayag nina Francisco at Espiritu (2006), Lumbera (2005), at Thompson (2003). Tinalakay naman nina Austero at Fowles (1999), Taflinger (1996), at Gresko at mga kasama (1996) ang paggamit ng saykoloji sa mga advertizment, at sa R.A. 8370 o Children’s Television Act of 1997 ang ahensang naatasang magmomonitor ng mga ito.   Natutunghayan sa sumusunod na mga paragraf ang detalye ng mga nabanggit na mga kaugnay na literatura. Sa pagtuturo, ayon kay Adeyanju (2003), mahalaga ang visual aids sa lubusang pagkatuto ng mga bata. Para kay kanya: “Learning aids are instructional materials and devices through which teaching and learning are done in schools. Examples of learning aids include visual aids, audio-visual aids, real objects and many others. The visual aids are designed materials that may be locally made or commercially produced. They come in form of wall-charts illustrated pictures, pictorial materials and other two dimensional objects. There are also audio-visual aids. These are teaching machines like radio, television, and all sorts of projectors with sound attributes.” Ang advertizment ay maaari ring magsilbing visual aid.

Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay isa sa mga faktor sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ay nasasalig sa iba’t ibang batayan sa pananaw na sosyo-kultural. Sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo dapat isaalang-alang ang mga gamit nito, ang objektiv, panahon at istilo ng mga wikang gagamitin na naaayon sa kahalagahan ng mga taong nag-uusap at sa hinihingi ng pagkakataon. Ang ikalawa ay ang pananaw na pangkaisipan. Dito binibigyang pansin ang pagkakaiba ng estudyante sa paraan ng pagkatuto. Ang ikatlo ay ang yumanistik na perspektiv. Ang objektiv nito ang lubusang malinang ang buong katauhan ng mga mag-aaral. Para kay Gabuyo (1998), sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo ay kailangang alamin ang karakteristik at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang objektiv, balangkasin ang nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay nang maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin ang mga gawain at fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grafiks. Ayon kay Transona (2002), walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Tinalakay ni Aquino at Razon (1998) sa kanilang aklat ang kwalifikeysyon ng isang mahusay na titser. Ayon sa kanila, matatawag na mahusay ang titser kung nagtataglay sya ng sariling kakayahan at katalinuhan, matapat sa pakikitungo sa kanyang kapwa titser at iginagalang ang karapatan ng bawat estudyante. Kailangan ding may alam sya sa mga prinsipol ng mabuting pagkatuto tulad ng paggamit ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo, motiveysyon, paggawa ng leson plan, kasanayan sa pagtataya at integreysyon. Ang pagkatuto para kay Panambo (1997) ay ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo at pag-aaral. Ang pagkatuto ng mga estudyante ay nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ng isang titser. Ang titser ang nababalak at nagpapasya sa pamaraang kaniyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na...
tracking img