Islam

Only available on StudyMode
  • Download(s) : 1889
  • Published : February 18, 2011
Open Document
Text Preview
ISLAM:

Laganap ang relihiyong Islam sa Indonesia, Saudi Arabia, Iraq, Iran, Turkey, Syria, Jordan, Afghanistan, Bahrai, Kuwait, Omam, Qatar, United Arab Emirates (UAE), Yemen, Pakistan, Sri Lanka, Malaysia, Brunei, Mindanao sa Pilipinas at ilang bahagi ng Singapore.

Kasaysayan:

Nanggaling ang Islam sa salitang Arab na sallam (ibig sabihin: “kapayapaan sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsuko ng sarili sa kapangyarihan ng Diyos”). Itinatag ito ni Mohammed na taga-Mecca, Saudi Arabia. Muslim ang tawag sa tagasunod ng Islam. Kinikilala ng mga Muslim si Allah bilang Diyos at si Mohhamed bilang propeta. Batay ang turo ni Mohammed sa Koran (Qur’an), na siyang banal na aklat ng mga Muslim. Kabilang sa mga turo ni Mohammed ang pagsamba sa iisang Diyos, pagtatakil sa mga anito at idolo, pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay ng mga Muslim.

Tradisyong ng Islam:

Sa relihiyong Islam, pinahihintulutan ang piling diborsyo, pagbabago sa batas ng pagmamana, banal na pakikidigma o jihad, at pag-aasawa ng mga lalaki ng higit sa isa. May mga pagbabago sa katutubong relihiyon ng mga Arabe na ipinakilala ni Moahhamed at nagging dahilan ito upang magalit sa kanya ang karamihan sa mga taga-Mecca. Binalak siyang patayin, kaya tumakas siya patungo sa Yathrib sa Medina, Saudi Arabia. Tinawag na Hegira ang pagtakas na itong naganap noong Hulyo 16, 622, araw ng Biyernes. Mahalaga sa mga Muslim ang pangyayaring ito, kaya Biyernes ang araw ng kanilang pagsamba. Tumutungo sla sa moske upang magdasal. Moske ang tawag sa kanilang sambahan, at Hulyo 16 ang petsa ng unang araw ng kalendaryong Muslim.

Nagtakda ang Islam ng limang tungkulin na dapat sundin ng mga kasapi nito. Ito ang tinatawag na “Limang Haligi ng Islam”

1. Pagkilala kay Allah bilang nag-iisang Diyos at kay Mohammed bilang propeta. Ito ang tinatawag na shahada o pagpapahayag ng paniniwala ng ng Muslim. 2. Pagdarasal ng limang beses isang araw na nakaharap sa Mecca. Ito ang tinatawag na sallat. 3. Pagbibigay ng limos sa mga kapwa Muslim na nangngailangan ng tulong, lalo na yaong mga nasalanta ng kalamidad. Ito ang tinatawag na zakat. 4. Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.

5. Pagtungo sa Mecca kahit minsan man lamang sa buhay nila.

Paganismo

Ang paganismo ay (Ingles: paganism, mula sa Lating paganus, na nangangahulugang "naninirahan sa kanayunan", "rustiko", o "karaniwan")[1][2] ay isang pangkalahatang katawagang ginagamit upang tukuyin ang sari-saring mga pananampalatayang maraming diyos o relihiyong politeistiko. Kinabibilangan ang nilarawang pangkat sa karamihan ng Silanganing mga relihiyon, relihiyon at mitolohiya ng Katutubong mga Amerikano, pati na ang hindi-Abrahamikong mga relihiyong-bayan sa pangkalahatan. Hindi ibinibilang sa mas makitid na mga kahulugan ang anuman sa mga relihiyon ng mundo at hinahangganan ang katawagan sa lokal o rural na mga daloy na hindi naisaayos bilang mga relihiyong sibil. Katangian ng mga tradisyong pagano ang kawalan ng proselitismo at ang pagkakaroon ng isang nabubuhay na mitolohiya na nagpapaliwanag ng gawaing pampananampalataya. Ang salitang pagano ay isang paghango ng Kristiyano mula sa "hentil" ng Hudaismo, at bilang ganito, mayroon itong kalakip na pagkiling na Abrahamiko, at mga pahiwatig o konotasyong nagpapasama, nagpapalala, o nagpapababa ng antas, kapag nasa piling o inihahambing ng mga monoteistang Kanluranin,[4] na maihahambing sa "hindi-binyagan", taong itinuturing na lapastangan sa relihiyon, o taong nalalabuan ng paniniwala, o kaya "hindi sibilisado" (heathen sa Ingles),[1] at impiyel o taong walang pinaniniwalaang relihiyon o walang relihiyon (katulad ng taong hindi naniniwala sa Kristiyanismo o Islam; Ingles: infidel[1] na kilala rin bilang kafir (كافر) at mushrik sa Islam. Sa kadahilanang ito, iniiwasan ng mga etnolohista (o etnologo) ang salitang "paganismo," dahil sa kawalan ng katiyakan at sari-saring mga kahulugan, sa pagtukoy sa mga pananalig na tradisyonal o...
tracking img