Computers

Only available on StudyMode
  • Pages : 3 (941 words )
  • Download(s) : 942
  • Published : January 25, 2011
Open Document
Text Preview
HINDUISMO
Ang hinduismo ay isang relihiyon na nagsimula sa kontinente ng India. Ang salitang Hindu ay nangangahulugang India. Kaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, hindi pa alam kung sino ang nagpaumpisa nito. Sinasabi na ang mga Asyano ang nagpasimula nito at kanilang itinuro sa Kabihasnang Vedic. Ito ay kinokonsiderang pinakalumang "extant" na relihiyon sa buong mundo.Ang relihiyong ito ay may mahigit kumulang sa isang bilyong tagasunod kung saan ang 890 milyon ay nakatira sa India at kinukunsidera ding pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo, sumusunod lang sa Kristyanismo at Islam. Ang mga bansang may malaking papulasyon ng Hinduismo ay Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay ang Brahman, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib sa Brahman. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ng Brahman. Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos na may ulo ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik. Sistemang Kaste

Ang Sistema ng Antas ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas na panlipunan, gaya ng: (1) Brahmin...
tracking img