Books

Only available on StudyMode
  • Pages : 19 (4575 words )
  • Download(s) : 9472
  • Published : January 5, 2011
Open Document
Text Preview
Panitikan
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
[pic]
[pic]
Larawan ng mga librong pampanitikan.
[pic]
[pic]
Isang aklatang may mga aklat pampanitikan.
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.[1]

|Mga nilalaman |
|[itago] |
|1 Etimolohiya o ethymology |
|2 Mga uri ng panitikan |
|3 Anyo ng Panitikan |
|4 Mga akdang pampanitikan |
|5 Kaugnayan sa kalinangan |
|6 Kaugnayan sa kasaysayan |
|7 Tingnan din |
|8 Mga sanggunian |
|9 Mga talaugnayang panlabas |

[baguhin] Etimolohiya o ethymology

Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin - littera - na nangangahulugang "titik".[2]

[baguhin] Mga uri ng panitikan

Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan: ang mga kathang-isip (Ingles: fiction) at ang mga hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyahrihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga nobela at maikling kuwento.[1] Para sa pangalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bungang-isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]

[baguhin] Anyo ng Panitikan

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:
1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. 2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.

[baguhin] Mga akdang pampanitikan

• Mga akdang tuluyan
o Alamat
o Anekdota
o Nobela
o Pabula
o Parabula
o Maikling kwento
o Dula
o Sanaysay
o Talambuhay
o Talumpati
o Balita
o Kwentong bayan
o Salawikain
o Kasabihan
• Mga akdang patula
o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. ▪ Awit at Korido...
tracking img